Lata Ang Aming Tambol

Mistulang kawawa ang aming pangkat
Hindi man lang makabuo ng apat
Ngunit ang aming mga puso'y maligayang tunay
Pagkat si Hesus ay buhay na buhay

Buhay na buhay, buhay na buhay
Dito si Hesus, buhay si Hesus
Sa bawat puso namin at ninyo
Nating lahat

Maligayang pasko sa nakakarinig
Ang aming awit ay mula sa dibdib
Kahit paskong walang regalo ang hinaharap
Sa piling ni Hesus, ang buhay ay masarap

Masarap, masarap, napakasarap
Talagang nalalasap
Sa piling ni Hesus, ang buhay napakasarap
Sa piling ni Hesus

Lata ang aming tambol
Boses ang aming gitara
Katawan ang niyuyugyog
Sa awiting handog sa pasko

(One more time)

Lata ang aming tambol
Boses ang aming gitara
Katawan ang niyuyugyog
Sa awiting handog sa pasko

Isa, dalawa, tatlo

Mistulang kawawa ang aming pangkat
Kahit na papa'no'y hindi sisikat
Ngunit ang aming mga puso'y maligayang tunay
Pagkat dito si Hesus ay buhay na buhay

Maligayang pasko sa nakakarinig
Ang aming awit ay mula sa dibdib
Kahit paskong walang regalo ang hinaharap
Sa piling ni Hesus, ang buhay ay masarap

Masarap, masarap, napakasarap
Kung kayo'y magbibigay
Basta 'wag lang barya, tayo'y hindi mag-aaway
Sayang ang laway

Lata ang aming tambol
Boses ang aming gitara
Katawan ang niyuyugyog
Sa awiting handog sa pasko

Lata ang aming tambol
Boses ang aming gitara
Katawan ang niyuyugyog
Sa awiting handog sa pasko

Lata ang aming tambol
Boses ang aming gitara



Credits
Writer(s): Danny Javier, Jim Paredes, Boboy Garrovillo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link