Agila (Haring Ibon)

Nais kong lumipad tulad ng agila
At lumutang-lutang sa hangin
Magkaroon ng pugad sa puso ng kagubatan
Ngunit, ito ay panaginip lang
At maaaring 'di matupad

'Pagkat ang kagubatan ay unti-unting nawawala
Mga puno nito'y nangingibang bayan
At 'pag walang puno, wala na ring mapupugaran
Kapag ang agila'y walang pugad
Wala na siyang dahilang lumipad

Oh, haring ibon, hari kong tunay
Nais kong tumulong
Nang kaharian mo'y muling mabuhay

Kung nais mong makakita ng agila
Huwag kang tumingala at tumitig sa langit
'Pagkat ang mga agila nitong ating bayan
Ang iba'y nabihag na
Ang natitira'y bihirang magpakita

Tiniklop na nila ang kanilang mga pakpak
Hinubad na nila ang kanilang mga plumahe
Sila'y nagsipagtago sa natitirang gubat
Ang lahi ba nila'y tuluyan nang mawawala?

Oh, haring ibon, hari kong tunay
Nais kong tumulong
Nang kaharian mo'y muling mabuhay

Oh, haring ibon, hari kong tunay
Nais kong tumulong
Nang kaharian mo'y muling mabuhay



Credits
Writer(s): Jose Ayala
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link