Ikaw

Ooh

Kapag nag-iisa, pinapangarap ka
Lagi kong hinahanap ang kislap ng 'yong mata
Ako'y nananabik sa 'yong mga halik
At lagi kong ninanais ang ngiti mong kay tamis

Ikaw ang nasa isip ko sa tuwing nag-iisa
Ikaw ang panaginip ko, sana ay makapiling ka (kapiling ka)
'Pagkat ikaw ang nais ng puso sa buhay kong ito (laging kasama ka)
Ikaw ang siyang pangarap ko, walang iba
Kundi ikaw

'Wag mag-alinlangan, pag-ibig ko'y tapat
Mamahalin kita nang lubusan, pag-ibig na tapat

Ikaw ang nasa isip ko sa tuwing nag-iisa
Ikaw ang panaginip ko, sana ay makapiling ka (kapiling ka)
'Pagkat ikaw ang nais ng puso sa buhay kong ito (laging kasama ka)
Ikaw ang siyang pangarap ko, walang iba
Kundi ikaw

Asahang hindi magbabago ang damdamin ko sa 'yo (hinding-hindi magbabago)
Ikaw ang nais ng aking puso (ang nasa isip ko, ang panaginip ko)

Ikaw ang panaginip ko, sana ay makapiling ka (kapiling ka)
'Pagkat ikaw ang nais ng puso sa buhay kong ito (laging kasama ka)
Ikaw ang siyang pangarap ko, walang iba

Ikaw ang nasa isip ko sa tuwing nag-iisa (tuwing nag-iisa)
Ikaw ang panaginip ko, sana ay makapiling ka (kapiling ka)
'Pagkat ikaw ang nais ng puso sa buhay kong ito (laging kasama)

Ikaw ang siyang pangarap ko (ang nasa isip ko)
Whoa (ang panaginip ko)
Ikaw ang siyang pangarap ko (ang nasa isip ko)
Whoa, whoa, whoa-oh (ang panaginip ko)
Ikaw ang siyang pangarap ko, walang iba
Kundi ikaw

Ooh



Credits
Writer(s): Jonathan Florido
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link