Kandila

Kandila

Ngayong gabi, madilim dito
Walang ilaw, brownout sa aking mundo
Sa init naiinip, sa dilim nangangapa
Naalala tuloy kita

Kandila lang ang kasama
Kandila lang ang kasama
Kandila lang
Kamusta ka na kaya?

Kung kailan pa nawalan ng ilaw
Saka pa lang naging malinaw
Baka ako'ng may kasalanan
Kung bakit tayo may tampuhan
Hindi na pwedeng pag-usapan

At kandila lang ang kasama
Kandila lang ang kasama
Kandila lang
Kamusta ka na kaya?

Ooh-oh-oh-ooh
Ooh-ooh-ooh

Sorry, 'di kita hinabol
Sorry kung tayo'y malabo
Maya-maya lang ay may ilaw na
Pero sana'y malaman mo

Magka-ilaw man, madilim pa rin
Magka-ilaw man, madilim pa rin
Kung wala ka
Kung wala ka

Magka-ilaw man, madilim pa rin
Magka-ilaw man, madilim pa rin
Kung wala ka
Kung wala ka



Credits
Writer(s): Vincent Ferdinand Dancel
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link