Entropy

Lumipas na ang oras nandito pa rin ako,
nagbibilang ng luha na hindi natutuyo.
Natulala at naliligaw sa aking isipan.
Ang ala-alang aking binabalikan.
Pipikit na lang ako,
kailan ba ito hihinto?
Sa bawat pag-sikat ng araw;
Madilim na paligid ang natatanaw
Sa bawat pag-ikot ng mundo
Ang mga bituin ay dahan-dahang lumalayo.
Sumisigaw sapagkat walang nakakadinig
Nakatingin sa silwuta mong di umiimik
Nakahiga at nalulunod sa aking pagluha
Ang ala-alang ating din na malilimutan.
Pipikit na lang ako,
Habang ikay lumalayo sa akin.

Ang kwento natin ay lumilpas at umuulit
Saglitang umiihip na parang hangin.
Pagsapit ng bukas ako ay umaasa muli,
Na ikaw at ako ay muling magkatabi

Sa bawat pagsikat ng araw
Madilim na paligid ang natatanaw
Sa bawat pag ikot ng mundo
Ang mga bituin ay dahan dahang lumalayo



Credits
Writer(s): Nowell Fulber, Wilhelm Leeb
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link