Hiwaga

Ligaw patingin-tingin, mga bulong mo sa hangin
Sa'n na ba napunta, oh, kay gandang hiwaga
At tila 'pag mayro'ng sinta, barkada'y iiwanan na
Bakit nagkakaganyan, malalim na hiwaga

Ibon ay nagtipon ng damo pampugad
Tao ay nagtatali bago umulan
Ang mga mang-iibig, 'di na rin nalalayo
Bilang ay siyam na buwan, pag-ibig ay nagbubunga na rin

'Wag mo nang intindihin, hiwaga'y 'wag nang lutasin
Sayang ang hiwaga, 'pag 'di na siya hiwaga

Ibon ay nagtipon ng damo pampugad
Tao ay nagtatali bago umulan
Ang mga mang-iibig, 'di na rin nalalayo
Bilang ay siyam na buwan, pag-ibig ay nagbubunga na rin

Buhay patakbo-takbo, tila lolo na ako
Paano nagkaganyan ang aking kalagayan
'Wag mo nang intindihin, hiwaga'y 'wag nang lutasin
Sayang ang hiwaga
'Pag di na siya hiwaga



Credits
Writer(s): Jaime Paredes
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link