Pauwi na

KORO
Pauwi na sa tahanan Mo.
Pabalik na sa Iyo.
Tanggapin at kupkupin,
Kapatid namin sa 'Yong piling.

Kami ma'y nalulumbay,
Siya ngayo'y naglalakbay.
Mga anghel ang gagabay
Tungo sa Iyong kamay. (KORO)

Ang lungkot, 'Yong pawiin.
Ang pait, 'Yong paghilumin.
Sa aming magkawalay,
Pag-ibig Mo ang tutulay. (KORO)

Pagkukulang, patawarin.
Kabutihan, huwag limutin.
Sa kamatayan, siya'y hanguin.
Buhay niya'y 'Yong ganapin. (KORO)



Credits
Writer(s): Bukas Palad
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link