Matik Na Yan

Woo!
Abaddon (ah, yeah)
Sparro
Curse one (ohh)
Matik na yan (ahh)

Ang salitang mahal kita
Tandaan mong kahit 'di ko 'to masabi
Alam mo naman kahit na anong mangyari
Sa akin ay ikaw lamang ang nagmamay-ari
Napakarami namang ibang dahilan
Para ang ating relasyon ay tumamis
Kahit ako'y parang bato kapag ika'y nanlalambing
Hindi ito sapat na rason para ka mainis
Madalas ko man na maisantabi
Araw man o gabi na sa tuwing tayo'y magkatabi
Ang bigkasin na iniibig kita
'Di man lumabas sa aking labi pero aking pinagmamalaki
At kahit kanino man 'di ako mahihiya pagsigawan
Ikaw ang siyang aking naging katambal at kabiyak
Hinding hindi ka iiyak at tanging luha lamang ng kaligayahan
Ang siyang papatak sa iyong mga mata, sa isipan itatak
'Di ka dapat mangamba, 'di ako maghahanap ng iba
Madami man akong nakikitang nakapalibot sa paligid
Mga babaeng tumutukso pero balewala lang, maniwala ka
Pilit pinapadama minsan man ay para bang kinakapos sa mahika
Kahit 'di man mabanggit ng salitang inaantay mo
Alam mong ito ay matik na
Sakin ka lang at ako'y para sa'yo
Magtiwala ka sa 'kin, ako'y iyong alipin
Panget man isipin pero aaminin ko
Alam kong alam mo na ako'y palabiro
Pero hindi ako marunong makipaglaro
Ang makipagharutan sa ngalan ng pagmamahalan
Ay 'di gawain ng katulad ko na matino

'Di ko man masabi sa'yo
Alam mo naman ang totoo
'Di ko man laging naipapadama
Alam mong ikaw ay nag-iisa
Matik na 'yan, mahal kita
Matik na 'yan, mahal kita
Matik na 'yan, mahal kita
Matik na 'yan, mahal kita

Mawala na ang lahat 'wag lang ikaw
Wala nang makaawat sa pagtanaw ng pag-ibig ko
Sa tulad mong diwatang nagpapainit sa tuwing ako ay giniginaw
Liwanag ka sa buhay ko, ika'y pag-asa
At 'pag nasa tabi kita, alam mo ba ako ang pinakamasaya
Kung saan hinihiling ko na huminto ang oras (oras, oras, oras)
Para mas makasama kita nang matagal
At sa sandaling ito ay hindi na lumipas
Habang tayo ay naglalakbay sa kalangitan
Na tila ba walang katapusan
Walang problema, walang eksena
Kung saan kailangan pa nating dalawa na magtalo pa
Walang iba sa puso ni Sparo, ikaw ang nanatili
Kahit na hindi ko sabihing mahal kita
Matik na yan, ikaw lang ang namalagi
Ano ba ang meron ka bakit ba ako'y hulog na hulog
Puso ko'y bulong nang bulong
Ginigising niya ang pag-ibig kong tulog na tulog
Ikaw ang nagpakabog
Sa mga pagkakataong 'di ko masabi sa'yong mahal kita
Marahil kahit abala sa ibang mga gawain
Maniwala sa hindi nasa isipan ka
Wala nang iwanan, 'wag ka na bibitaw, wala nang aayaw
Akin ka lang at kung meron ka mang pangangailangan
'Wag kang mahiya, sabihin mo lang, matik na 'yan

'Di ko man masabi sa'yo
Alam mo naman ang totoo
'Di ko man laging naipapadama
Alam mong ikaw ay nag-iisa
Matik na 'yan, mahal kita
Matik na 'yan, mahal kita
Matik na 'yan, mahal kita
Matik na 'yan, mahal kita

Sa umaga, sa paggising mo
Tanging maririnig mo lang ay aking tinig
At habang ako sa 'yo ay nakatitig
Andito ka sa 'king bisig at ikaw ay nakahilig
Halika sa hapag kainan
Ating pagsaluhan ano man ang nakahain
Ano man ang akin ay sa iyo
Sana ano mang sa 'yo ay pwede rin na maging akin
Sa tuwing tayo'y magkalayo
'Wag kang maghinala ng masama
Kung 'di ako makapagparamdam
Sa piling mo ako nanggaling sa piling mo rin babalik
Kaya 'wag ka na sanang magdaramdam
Ano bang katibayan ang hanap mo?
Para mapatunayang ikaw ay mahal ko
Kailangan ko pa bang pagsigawan sa lahat para malaman mo?
Papa-tattoo ko pa sa 'king balat ang pangalan mo
Ito ang panghawakan mo, kung merong suliranin
Utak mo ay lawakan sabay nating aayusin
Kamay ko ay hawakan mo
Kung merong haharang sa 'tin wag kang mag-alala
Ito ay tatapakan ko
'Di ko man masabi sa iyo ng harapan
Ang mahalaga lang naman
Kahit sa paanong paraan ay aking maipabatid
Maitawid sa tulay ang tunay na nadarama ko
Pagpasensiyahan mo na sana at iyong maunawaan
Na kung bakit sa awitin ko lamang nailarawan
Ang lahat ng katotohanan
Lahat ng magandang plano ko
Ikaw lamang ang aking pag-aalayan
Ang mahalin ka ay dahan dahan
Mahusay kong pag-aaralan

'Di ko man masabi sa'yo
Alam mo naman ang totoo
'Di ko man laging naipapadama
Alam mong ikaw ay nagiisa
Matik na 'yan, mahal kita
Matik na 'yan, mahal kita
Matik na 'yan, mahal kita
Matik na 'yan, mahal kita

'Di ko man masabi sa'yo
Alam mo naman ang totoo
'Di ko man laging naipapadama
Alam mong ikaw ay nag-iisa
Matik na 'yan, mahal kita
Matik na 'yan, mahal kita
Matik na 'yan, mahal kita
Matik na 'yan, mahal kita



Credits
Writer(s): Venzon Malubay
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link