Tsaka Na Lang

Papunta ka ba sa klase?
Tara na, buhatin ko ang libro mo
Mahirap ba kay Elizalde?
Makinig ka lang at tiyak na ika'y pasado

Kamusta na pala si Lita?
Balita ko ay pauwi na ang siyota n'ya
Matagal silang hindi nagkita
Kaya isang buong buwan sila mawawala

Kuwentuhan na walang pinupuntahan
Kuwentuhan
Kuwentuhan na walang pinupuntahan
Kuwentuhan

Nakausap mo na ba ang magulang mo
Tungkol sa gimik sa darating na Sabado?
Sana ay makadaan ka kahit lamang sandali
Para ang pagpunta ko ay magkaroon ng silbi

Kuwentuhan na walang pinupuntahan
Kuwentuhan
Kuwentuhan na walang pinupuntahan
Kuwentuhan

Eto na pala, maupo ka na lang dito
Magsisimula na ang klase mo
Paano na? Mauna na ako
Oo nga pala

'Tsaka na lang



Credits
Writer(s): Noel Perez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link