Kahit Ika'y Panaginip Lang

Hatinggabi
Gising pa't naghihintay
'Di maidlip
At nagbibilang ng tala

Sa karamihan nito'y
Mayro'ng isang natatangi
At sa tuwing tatanawin
Mukha mong nasa sa isip

Ewan ko ba
Bakit ka nagpakita pa?
Sa panaginip
Sana'y mamasdan ka sa tuwina

Kahit na 'di na gumising pa
Huwag lang malayo sa piling mo
Iniibig kahit ika'y panaginip lang

Sa karamihan nito'y
Mayro'ng isang natatangi
At sa tuwing tatanawin
Mukha mong nasa sa isip

Ewan ko ba
Bakit ka nagpakita pa?
Sa panaginip
Sana'y mamasdan ka sa tuwina

Kahit na 'di na gumising pa
Huwag lang malayo sa piling mo
Iniibig kahit ika'y panaginip lang

Iniibig kahit ika'y panaginip lang



Credits
Writer(s): Raymundo Cipriano P Cayabyab
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link