Babalik

Oh, oh no, oh, oh

Kailan ba nagsimulang matapos ang lahat?
Kahit pa ang anumang hindi ipagtatapat
Aminado, sigurado, hindi gaanong nagampanan
Ang pangakong ginawa ko kaya lalo kang nasaktan

(Oh-oh-oh-oh-oh-oh-oh-oh)
'Di maiwasang mapagsisihan
(Oh-oh-oh-oh-oh-oh-oh-oh)
Na ako'y lumisan

Ang simoy ng hangin na lamang
Ang tanging kayakap sa piling nang napiling iwanan ka
At waring ang buhay may taning
'Di kayang sabihing madali ring bitawan ka
At ngayon, masaya ka na sa kan'ya
At sa 'kin hindi ka na muling babalik
Babalik, babalik, babalik pa
Ooh, yeah-yeah-yeah-yeah, yeah-yeah-yeah

Mayro'n bang nadarama? 'Di lang pinapansin
Mayro'n pang natitirang labis na pagtingin
Aminadong 'di masyadong sigurado nu'ng nagpapasya
At malabong maging tayong muli 'pagka't wala ka na

(Oh-oh-oh-oh-oh-oh-oh-oh, yeah)
'Di maiwasang mapagsisihan
(Oh-oh-oh-oh-oh-oh-oh-oh)
Na ako'y lumisan

Ang simoy ng hangin na lamang
Ang tanging kayakap sa piling nang napiling iwanan ka
At waring ang buhay may taning
'Di kayang sabihing madali ring bitawan ka
At ngayon, masaya ka na sa kan'ya
At sa 'kin hindi ka na muling babalik
Babalik, babalik, babalik pa

Oh, patuloy mang magsisi
'Di na mababawi
Araw-araw sa 'king paggising
Habang-buhay na dadalhin

Ang simoy ng hangin na lamang
Ang tanging kayakap sa piling nang napiling iwanan ka
At waring ang buhay may taning
'Di kayang sabihing madali ring bitawan ka
At ngayon, masaya ka na sa kan'ya
At sa 'kin hindi ka na muling babalik
Babalik, babalik, babalik pa

Babalik, babalik, babalik, babalik, babalik pa



Credits
Writer(s): Thyro Alfaro, Yumi Lacsamana
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link