Kung Sigurado Lang

Dahan dahang bibitawan ang kasintahan kong mahal
Matututo rin kung pano sundin ang dapat gawin ng mga pusong bitin
Matuturuang tanggapin
Ngunit wag muna ngayon
Kailangan ko ng konting panahon
Wag sana nating biglain

Kung sigurado lang ako, kung sigurado rin ikaw
Kahapon pa sana tayo bumitaw
Ngunit nandito pa ako, at nandito ka parin
Dahil kahit langit ay hindi parin sigurado kung tayo ay dapat paghiwalayin

Dahan dahang pagaakala ang kasintaha'y pagbigyan
Baka sakaling sa konting sukli ng binabayad nating pagtitimpi
Pagibig natin ay magwagi
Kaya wag muna ngayon
Pahingi naman ng konting panahon
Wag sana nating biglain

Kung sigurado lang ako, kung sigurado rin ikaw
Kahapon pa sana tayo bumitaw
Ngunit nandito pa ako, at nandito ka parin
Dahil kahit langit ay hindi parin sigurado kung tayo ay dapat paghiwalayin

Kapag nagtagisan ang puso ko't ang aking isipan
Ano ba ang tamang sundan

Kung sigurado lang ako, kung sigurado rin ikaw
Kahapon pa sana tayo bumitaw
Ngunit nandito pa ako, at nandito ka parin
Dahil kahit langit ay hindi parin sigurado kung tayo ay dapat
Sigurado kung tayo ay dapat
Sigurado nang hindi pa dapat paghiwalayin
Sigurado nang hindi pa dapat paghiwalayin



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link