Nagsimula Sa Puso

Parang kung kailan lang
Laging kapiling ka
Ang sabi mo mahal mo ako
Walang iba, walang iba
Para sa'yo, bukod tangi ako

Naalala ko ang tamis na aking nadama
Sa'yong halik, mga halik ang init ng iyong pagsinta

Ang sabi mo noon, naalala ko
Ako ay walang ibang kapantay
Binihag mo ang puso ko
Buong pagkahumaling sa'yo

Bakit bigla na lang
Nilimot ang ating nagdaan
At ang puso ko'y nagdaramdam
Sa biglang naglahong nakaraan

Kailan, kung may kailan pa man hindi ko na alam
Nasaan, nasaan ang pangako mong pagmamahal
Sayang ang pag-ibig na para sa'tin lang nakalaan
Na nagsimula sa puso

Bakit bigla na lang
Nilimot na natin ang nagdaan
At ang puso ko'y nagdadamdam
Sa biglang naglahong nakaraan



Credits
Writer(s): Jonathan Manalo, Yeng Constantino
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link