Pers Lab

Tuwing kita'y nakikita
Ako'y natutunaw
Parang ice cream na nabilad
Sa ilalim ng araw

Ano ba naman ang sekreto mo?
At 'di ka maalis sa isip ko
Ano bang gayuma ang gamit mo
At masyado akong patay sa 'yo?

'Di na makatulog
'Di pa makakain
Tagyawat sa ilong
Pati na sa pisngi
Sa kaiisip sa 'yo, tagyawat dumadami

Tuwing kita'y nakikita
Ako'y natutunaw
Tuwing daan sa harap mo
Puso ko'y dumudungaw

Kailan pa kita makikilala?
Sana'y malapit na
Malapit na



Credits
Writer(s): Dennis Garcia, Mon Torralba
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link