Walang Iwanan

Hmm-mmm-mmm-mmm

'Di ba't kay ganda-ganda ng pagsasama natin?
'Di ko maintindihan kung ano'ng nangyari sa atin
Bakit ba kinakailangan pang maghiwalay?
Dahil lang sa mailiit na bagay at walang kakuwenta-kuwentang away (ooh-ooh-ooh-ooh)

Sinubuk-subukan mong humanap ng iba
Ang akala ko naman ay kaya ko ang mag-isa
Huwag na nating pahirapan ang sarili
Tama na ang pagkukunwari, amining hanap mo ako't hanap ka rin

Magmula ngayon, walang iwanan
Tayo'y para sa isa't isa, walang kaduda-duda
Walang iwanan, lungkot man o sa ligaya, hirap man o sa ginhawa
Walang iwanan, kahit na ano'ng mangyari ay hinding-hindi na bibitaw muli
Magmamahalan kailanman, walang iwanan
Hmm, di-ma-ru-ru-du, ooh-ooh-ooh, ooh-ooh

Sa dinami-dami ng napagdaanan natin
Kung ano-ano ang dumating, hanggang ngayon tayo pa rin (tayo pa rin)
Kahit ga'no kabigat pa ang problema
Ang lahat ay kayang-kaya na kung magkasama tayong dalawa

Magmula ngayon, walang iwanan
Tayo'y para sa isa't isa, walang kaduda-duda
Walang iwanan, lungkot man o sa ligaya, hirap man o sa ginhawa
Walang iwanan, kahit na ano'ng mangyari ay hinding-hindi na bibitaw muli
Magmamahalan kailanman

Walang iwanan (ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh-ooh)
Tayo'y para sa isa't isa, walang kaduda-duda (para sa isa't isa, walang kaduda-duda)
Walang iwanan, lungkot man o sa ligaya, hirap man o sa ginhawa (hirap o ginhawa ay magkasama)
Walang iwanan, kahit na ano'ng mangyari ay hinding-hindi na bibitaw muli
Magmamahalan kailanman, walang iwanan

Du-ru-ru-ru-ru-du
Walang iwanan



Credits
Writer(s): Socrates Villanueva
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link