Pamaskong Anyaya

Maghintay sa pagsilang ng Kamahal-mahalan
Ihanda ang sarili at ang buong sambayanan
Pagtutunggali'y kalimutan, pagmamaramot ay talikdan
Anyayahan sa puso't isip, Siyang huwaran

Do'n sa silangan Niya, tanawin tuwina
Halimbawa ng payak na buhay
Ating iwasan ang pagnanasang lahat ay kamtin
Buhay Niya ang mithiin
Papayapa ang mundo kung tayo'y magbago't

Maghintay sa pagsilang ng Kamahal-mahalan
Ihanda ang sarili at ang buong sambayanan
Pagtutunggali'y kalimutan, pagmamaramot ay talikdan
Anyayahan sa puso't isip, Siyang huwaran

Do'n sa silangan Niya, tanawin tuwina
Ang pasakit ng Kristong sumapit
Sa karukhaa'y nagmula magandang balita ng Diyos
Bugtong na anak ng Diyos
Hindi mo man mahigtan, sarili'y ihanda't

Maghintay sa pagsilang ng Kamahal-mahalan
Ihanda ang sarili at ang buong sambayanan
Pagtutunggali'y kalimutan, pagmamaramot ay talikdan
Anyayahan sa puso't isip, Siyang huwaran

Kalimita'y nalulunod tayo sa rangya
Ng paghahanda sa araw ng Sangnilikha
Kung babalik tayo sa pinagmulan Niya
Higit na makabuluhan ang pagdiriwang

Maghintay sa pagsilang ng Kamahal-mahalan
Ihanda ang sarili at ang buong sambayanan
Pagtutunggali'y kalimutan, pagmamaramot ay talikdan
Anyayahan sa puso't isip, Siyang huwaran

Anyayahan sa puso't isip, Siyang huwaran
Huwaran
Ooooh



Credits
Writer(s): Norman (nm) Agatep, Jan Di (nm) Arboleda
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link