Kapit

Hindi ko na alam ang aking gagawin
Pagkadilim-dilim, 'di ko napapansin
Ang ikot ng mundo'y lalong bumibilis
Naiwanan

Ako'y nababagabag, sobrang pag-iisip
Paulit-ulit lang 'tong masamang panaginip
Ano at sino pa ang ipaglalaban ko?
Ako'y pakinggan mo

'Di ko na kayang ipikit ang aking mga mata
Tumatakbo papunta sa daan
Kung nasa'n ang liwanag
Naghihintay, nananalig
Na sana ay bumalik na ang liwanag

Ang mga pangyayaring lumitaw at naganap
Hindi ko hawak ang aking hinaharap
Kaya ko lang gawin ay kumapit pa
Hangga't kaya pa

'Di ko na kayang ipikit ang aking mga mata
Tumatakbo papunta sa daan
Kung nasa'n ang liwanag
Naghihintay, nananalig
Na sana ay bumalik na ang liwanag

Sana ay bumalik na ang liwanag



Credits
Writer(s): Roll Martinez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link