SMP

Yo... hmmmm...

Wala kang boylet no
Wala ka ring chicks
Mag-isa ka lang
Wag kang mag-alala
Kase

yo

Nilalamig ako
Ikaw nanginginig ka ba?
Kumpareho tayong dalawa,
Malamang di ka nag-iisa

Iniwan ka ba niya,
O kaya wala pa rin
Yung babae o lalaking kasama mo lagi sa panalangin

Malalim ba yung hugot mo
Na parang si pastillas
Nung iniwan ng minamahal
Akala mo minalas

Para ka bang si yaya Dub
Na puro na lang antay
Hawak na 'yong kamay
Pero pilit hiniwalay

Wag kang mag-alala
Kase nandito rin kami
Magkakasama tayo na
Nilalamig tuwing gabi
Pero laging masaya
Teka wag ka na malungkot
Yung mga pangit na nakaraan
Sabay na nating ibaon sa limot

(Sama na!)

Sama-sama sa lamig ng panahon
Kapit-bisig hanggang magbagong taon
Sama-sama - - -
Sabay sabay sa pagsigaw ng
(Kaya ko 'to!)
Kabilang kamay mo ay hawak ako
Pumikit, isiping siya'y kasama mo
O ayan 'di ba 'di na 'di ba 'di ka na mag-iisa mag-iisa
Sasamahan ko

Naaalala mo pa ba
Yung panahon na kasama mo siya
'Kala mo dati ang pag-ibig niyo hindi na magigiba
Pero nagulat ka biglang
Nag-iba ang panahon
Unti-unti na siyang lumalayo
At ipinagpalit ka na ngayon

Dumami ang dahilan
Wala na siyang pakialam
Talo pa siya ng multo na
Marunong magparamdam
Pero wag mong dibdibin
Kasi may likod ka pa
Masakit talagang maiwanan
At matulog mag-isa

(Apir!)

Wag kang mag-alala
Kase nandito rin kami
Magkakasama tayo na
Nilalamig tuwing gabi
Pero laging masaya
Teka wag ka na malungkot
Yung mga pangit na nakaraan
Sabay na nating ibaon sa limot

Sama-sama sa lamig ng panahon
Kapit-bisig hanggang magbagong taon
Sama-sama - - -
Sabay sabay sa pagsigaw ng
(Kaya ko 'to!)
Kabilang kamay mo ay hawak ako
Pumikit, isiping siya'y kasama mo
O ayan 'di ba 'di na 'di ba 'di ka na mag-iisa mag-iisa
Sasamahan ko

Wag ka nang malungkot
Kasi nandito din kami
Pare-pareho tayo na
Umiiyak tuwing gabi

Wag ka nang malungkot
Kasi nandito din kami
Pare-pareho tayo na
Magmu-move on tuwing gabi

Wag ka nang malungkot
Kasi nandito din kami
Sabay-sabay na lang tayo na
Gigimick ngayong gabi

(Oh yeah!)

Sama-sama sa lamig ng panahon
(Kaya ko to haha)
Kapit-bisig hanggang magbagong taon
Sama-sama - - -
Sabay sabay sa pagsigaw ng
(Kaya ko 'to!)
Kabilang kamay mo ay hawak ako
Pumikit, isiping siya'y kasama mo
O ayan 'di ba 'di na 'di ba 'di ka na mag-iisa mag-iisa
Sasamahan ko

Sama-sama sa lamig ng panahon
Kapit-bisig hanggang magbagong taon
(Kaya mo 'yan)
Sama-sama - - -
Sabay sabay sa pagsigaw ng
(Kaya ko 'to!)
Kabilang kamay mo ay hawak ako
Pumikit, isiping siya'y kasama mo
O ayan 'di ba 'di na 'di ba 'di ka na mag-iisa mag-iisa
Sasamahan ko

Sama-sama sa lamig ng panahon
Kapit-bisig hanggang magbagong taon
Sama-sama - - -
Sabay sabay sa pagsigaw ng
(Kaya ko 'to!)
Kabilang kamay mo ay hawak ako
Pumikit, isiping siya'y kasama mo
O ayan 'di ba 'di na 'di ba 'di ka na mag-iisa
'Di ba 'di na 'di ba 'di ka na mag-iisa
O ayan 'di ba 'di na 'di ba 'di ka na mag-iisa mag-iisa
Sasamahan ko



Credits
Writer(s): Pow Chavez, Nicole Macapagal, Julius De Belen
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link