Pananagutan

Sa gitna ng agos, 'di matapos-tapos
Ang problemang bumuhos
'Wag ka lang matakot, 'di ako susuko
'Di ako lalayo

Tutol man ang bayan, ikaw ay itatanan
Tayo'y bubukod ng tahanan
Ang buhay-barkada'y dito matatapos
Ating ipagpasa-Diyos

Tahan na, tahan na, tahan na

Alam kong hindi natin 'to gusto
Ngunit haharapin ko ang pananagutang ito
Sabay nating sisikaping buhayin ang bunga
Ng ating pag-ibig at pagmamahalan

Tahan na, tahan na, tahan na

Ang mundo'y iikot na lang sa 'yo
At sa anak natin na darating
Ako'y magsusumikap, 'di tayo hihirap
Matutupad ang pangarap

Tahan na, tahan na, tahan na

Alam kong hindi natin 'to gusto
Ngunit haharapin ko ang pananagutang ito
Sabay nating sisikaping buhayin ang bunga
Ng ating pag-ibig at pagmamahalan

Tahan na, tahan na, tahan na

'Di tayo susuko (susuko), 'di magpapatalo ('di papatalo)
Kayang-kaya natin 'to (kayang-kaya natin 'to)
'Di tayo susuko (susuko), 'di magpapatalo ('di papatalo)
Kayang-kaya natin 'to

Alam kong hindi natin 'to gusto
Ngunit haharapin ko ang pananagutang ito
Sabay nating sisikaping buhayin ang bunga
Ng ating pag-ibig at pagmamahalan

'Di ako liliban sa piling mo
Kahit hindi 'to gusto o tutol ang mga magulang mo
Tahan na, tahan na, tahan na



Credits
Writer(s): John Jireh S. Lim
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link