Hanggang Kailan

Nang dumating ka sa buhay kong hilo
Binigyan mo ng kulay ang puso kong ito
Bawat araw ay puno ng awit at tula
Pinalitan mo ng ngiti mga matang lumuluha

Hanggang kailan kita iibigin?
Hanggang saan kita hahanapin?
Kahit saan ka man naroroon ngayon, sinta
Magpakailanman, pinapangako kong hihintayin kita

Akala ko, pagmamahal mo ay akin
Ngunit sa isang saglit, ako pala'y iiwan din
Ako ba ay nagkulang? Ikaw ba ay sinaktan
Upang iwanan mo ang puso kong ngayon ay sugatan?

Hanggang kailan kita iibigin?
Hanggang saan kita hahanapin?
Kahit saan ka man naroroon ngayon, sinta
Magpakailanman, pinapangako kong hihintayin kita

At kung sakali mang bumalik ka pa sa piling ko
Tatanggapin kita na walang isusumbat sa 'yo
Pinatawad na kita bago ka pa bumalik
Kahit kailan man ay 'di maglalaho itong aking pag-ibig
Pag-ibig

Hanggang kailan kita iibigin?
Hanggang saan kita hahanapin?
Kahit saan ka man naroroon ngayon, sinta
Magpakailanman, kahit kailan
Pinapangako kong hihintayin kita



Credits
Writer(s): Jose Joel Mendoza
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link