Hagdan
Ooh
Hmm
Hmm, hmm, hmm, hmm
Hey
Ang araw-araw ay kabaliktaran ng suwerte
Mukha lang inosente pero puwede magrebelde
Ginagawa kong kapre ang bawat mga duwende
Kung minsan ang kulay pula'y ginagawa kong berde
Nakasagutan ko si Nanay, si Utol nakaaway
Hindi na 'ko umuuwi ng bahay
Nagpunta sa kapitbahay, nakitulog, nakitambay
Nakiuso, nakibagay, nakiusok, nakitagay
Pinakain ko ng damo ang pulang kabayo
Paulit-ulit lang umaasang may magbabago
Binusog ko lang lalo ang ari kong pagkatao
'Pag nagtalo 'yong dalawang aso, 'yong mabuti 'yong talo
Napalayo sa reyalidad
Naglalakad ako, ngunit akala ko ako'y lumilipad
Naging tamang hinala, panay maling akala
Hinahabol ko ang tama at mukhang mali na 'ata
Gusto kong maglayag
Gusto kong mga pangarap ko mangyari agad
Gusto kong lumangoy, gusto kong lumipad
Pakiramdam ko, kaya kong gawin ang lahat
Teka, huwag kang magmadali
Dahan-dahan lang (dahan-dahan lang)
Tayo ay para lang humahakbang
Paakyat ng hagdan
Ang kalaban ko ay nasa likod, nakangiti
May inaalok siya sa 'kin, 'di ako maka-"Hindi"
Hindi sila nakaitim, bagkos nakaputi
No'ng ako'y nakatikim, hindi na 'ko umuwi
Sa aking tunay na buhay, humaba lang ang sungay
Ang patunay, tunay ang lakad ko ay pasuray-suray
Ako ay uminom ng lason kahapon
Umaasang 'yong taong 'yon ang nasa kabaong
At ako ay nilamon ng buhawi
Inanod ng ugali kong 'singbaho ng pusali
Sa sobrang bangis, nagawa nila akong itali
Ang buhay ay tungkol sa kung papa'no ka bumangon at bumawi
Sa aking pagbalik, sa liwanag ay nasilaw
Nasanay sa silid na laging patay ang ilaw
At kahit na nasasabon, huwag na huwag kang tatalon
Sa bawat bagyo, tandaan, laging may pag-asa, Ron

May araw na malas, may araw ring suwerte
Tanggap ko nang pula'y hindi puwedeng maging berde
Hindi madali pero posible
Kung ang lahat ng bagay ay gagawin kong simple
May mga taong inilagay para ako'y itumba
Isang kalabit na lang at ako'y puputok na
Gan'to 'ata talaga kapag ang puno ay mabunga
Binabato-bato nang may mahulog at makuha
Sa aking kahinaan ay naging malakas
Lalo akong tumingin paloob, imbes palabas
Isinapuso ko, 'di ako masyadong nag-isip
Ng kung ano-ano, lalo ko lang niyakap ang inip
At ako ay nagpasakop sa programa
Sa tulong ng aking mga bagong kasama
Ako ay nakabangon sa kama
Muli kong nasilayan ang isang bagong umaga

Pakiramdam ko, kaya kong gawin ang lahat (nasilayan ang isang bagong umaga)
Teka, huwag kang magmadali
Dahan-dahan lang (dahan-dahan lang)
Tayo ay para lang humahakbang
Paakyat ng hagdan (nasilayan ang isang bagong umaga)

Credits
Writer(s): Lester Paul M. Vano, Ron Joseph A. Henley
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
© 2024 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.