Awit Ng Kagampan

Nais kong mabuhay sa isang panahon
Kagampan ang langit at lupa'y sagana
Sa isang panahong sugat ay bulaklak
Nating pipitasin sa dibdib na wagas
May buhay ang awit may pintig ang tula

Nais kong mabuhay sa isang panahon
May puso ang lahat ng mga pangarap
Sa isang panahong ang mga hiraya
Ay magbibinhi rin lupang may pagas
May punong malapay ang diwa'y malaya

Halina kapatid asawa kasama
Saluhan mo ako sa pananaginip
Ng isang panahong wala ng ligalig
Ng isang panahong dalisay ang hangin
Lamparang langit at lupa'y tahimik

Nais kong mabuhay sa isang panahong
May handog na supling ang pakikibaka
Sampagita'y kwintas sa dulo ng digma
Liliw ang pulbura bala ang musika
Magiting ang pusod ng ating hininga

Halina kapatid asawa kasama
Saluhan mo ako sa pananaginip
Ng isang panahong wala ng ligalig
Ng isang panahong dalisay ang hangin
Lamparang langit at lupa'y tahimik

Tayo ng mabuhay sa isang panahong
May handog na supling ang pakikibaka
Sampagita'y kwintas sa dulo ng digma
Liliw ang pulbura bala ang musika
Magiting ang pusod ng ating hininga



Credits
Writer(s): Noel Cabangon, Lilia Quindoza Santiago
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link