Di Ka Man Lang Nagpaalam

Umalis ka na pala
Iniwan mo akong nag-iisa
Lahat nama'y tila ba maayos mula sa umpisa
Masaya ang bawat sandaling kasama kita

Nguni't biglang isang umaga
Paggising ko'y wala ka na
Naglaho kang parang bula
Hindi alam kung bakit lumisan ka

Nag-iisip ng malalim
Kung ano'ng nangyari sa 'tin
Nababahala
Baka 'di ka na bumalik sa aking piling

Dahil ikaw ang s'yang kailangan ko
Magpakailan pa man
Asahan mong pag-ibig ko'y 'di magbabago
Pinapangakong maghihintay sa 'yo

Napatulala
Inaalala ang ating nakaraan
Binabalik-balikan ang dating tagpuan
Baka sakaling naron ka't naghihintay, nalulumbay

Kasabay nang pagbuhos ng ulan
Pagpatak ng luha'y hindi mapigilan
Kailan kaya kita muling masisilayan?

Dahil ikaw ang s'yang kailangan ko
Magpakailan pa man
Asahan mong pag-ibig ko'y 'di magbabago
Pinapangakong maghihintay sa 'yo

At sandaling tumigil ang mundo
Nang malaman ko ang totoo
Na hindi ka na babalik sa piling ko

Dahil ikaw ang s'yang kailangan ko
Magpakailan pa man
Asahan mong pag-ibig ko'y 'di magbabago
Pinapangakong maghihintay sa 'yo



Credits
Writer(s): 0, Muriel Anne F. Jamito, Jeff Donnel Gungon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link