Sana Ikaw

Ikaw ay dumating bigla sa 'king mundo
Hindi inaakalang ngitian mo ako
Para akong natunaw sa lambing nito
'Di ka na maalis sa isip ko

Paano na ngayon, ako'y litung-lito
Bakit kaya ako nahulog na sa'yo?
Pero meron ka nang ibang minamahal
Hindi naman mahati ang puso

Kaya pag-ibig, pinipigilan ko
Pag-ibig na sana ay sa'yo
'Di ba't nararapat sa iyo
Pag-ibig na buong-buo
'Di ko makakayang may saktan na iba
Kaya't ikaw ay mananatili na lang
Sa damdamin at aking isipan
Iguguhit kita sa alaala
'Pagkat tayo ay hanggang panaginip lamang

Paano na ngayon, ako'y litung-lito
Bakit kaya ako nahulog na sa'yo?
Pero meron ka nang ibang minamahal
Hindi naman mahati ang puso

Kaya pag-ibig, pinipigilan ko
Pag-ibig na sana ay sa'yo
'Di ba't nararapat sa iyo
Pag-ibig na buong-buo
'Di ko makakayang may saktan na iba
Kaya't ikaw ay mananatili na lang
Sa damdamin at aking isipan
Iguguhit kita sa alaala
'Pagkat tayo ay hanggang panaginip lamang



Credits
Writer(s): Lucien Letaba
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link