Magpakailanman

Nasaan ka?
Kailan ang 'yong pagbabalik?
Ako'y nasasabik sa yakap mo't halik
Nasaan ka?
Bakit hindi nagpaparamdam?
Ngayon, nagdaramdam, laging may pagkukulang

Ang puso'y nangugulila
Ba't bigla kang nawala parang bula?

Nasa'n na ang iyong pangako?
Naghihintay lamang sa 'yo
Ang alaala mo dito sa puso ko
Aking iingatan
Sana lang hindi mo nalimutan
Ang ating magpakailanman, la, la

Bumalik ka
Sa'n ka na ba nagpunta?
Hanap-hanap kita, kailan ba makikita?

Ang puso'y nagsusumamo
Ba't iniwan mong bigo at litong-lito

Nasa'n na ang iyong pangako?
Naghihintay lamang sa 'yo
Ang alaala mo dito sa puso ko
Aking iingatan
Sana lang hindi mo nalimutan
Ang ating magpakailanman

Ang inaasam (na kahapon)
Bakit mo hindi (pinaparamdam)
Ang pagmamahalan
Handa mo na ba pakawalan? Hmm
La-la-la-la, la-la-la-la-la-la-la
La, la, la, la

Ang puso'y nangugulila
Ba't bigla kang nawala parang bula?

Nasa'n na ang iyong pangako?
Naghihintay lamang sa 'yo
Ang alaala mo dito sa puso ko
Aking iingitan
Sana lang hindi mo nalimutan
Sana lang ay magsumpaan
Magpakailanman (magpakailanman)
(Magpakailanman) la-la-la, la

Magpakailanman



Credits
Writer(s): Ronaldo M. Sorioso
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link