Kailangan Kita

Sana ay iyong naririnig, pusong ikaw lang ang pinipintig
Tanging ikaw lang ang ligaya

Parang buhay ko'y may taning t'wing ika'y nalalayo sa 'king tabi
Laging tinatanong sa t'wina
Ikaw ba'y makakapiling ko ngayong gabing walang kasinglamig?
At muling magigisnan ko bukas

Bawat nakaw na sandali
Lagi kong hinihiling (lagi kong hinihiling)
Ikaw sa piling ko'y mananatili

Kailangan kita
'Pagkat ang buhay ko ay kulang kung ika'y mawawala
Kailangan kita
Sana pagdilat ko, ika'y nandito na

Sa aking bisig, ikaw ay yayakapin kong buong higpit
Pangakong 'di ka bibitiwan

Hindi magmamaliw, pag-ibig ko't himig
Ang puso ko'y 'yong inangkin
Tadhanang kakaiba sa ati'y tinakda
Magmula nang ika'y dumating, oh, giliw

Kailangan kita
'Pagkat ang buhay ko ay kulang kung ika'y mawawala
Kailangan kita
'Pagkat ang puso ko sa 'yo'y walang ililigaya pa
Kailangan kita
Sana pagdilat ko, ika'y nandito na

Iyo bang naririnig, pusong ikaw lang ang pinipintig?



Credits
Writer(s): Herminio Alcasid
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link