Ikaw Ay Ako (Theme from Doble Kara)

Sa bawat pintig ng puso
Ay dama ko na bahagi ka ng buhay ko
Kahit na itago pa, kahit na ilihim pa
Kita ko sa 'yong mata, tayong dalawa ay iisa

Puso ang s'yang nagsasabi
Na ika'y kahati ng aking kalul'wa
Kahit pa hindi sabihin ay dama ng puso na ikaw ay ako
Wagas na pag-ibig ay 'di magbabago

Sa (sa) pag-iisa (pag-iisa)
Madadama kong naro'n ka, sa isip ko'y kasama ka
'Di madaya ang puso sa lukso ng aking dugo
Tunay na pagmamahal ay hindi maglalaho

Puso ang s'yang nagsasabi
(Tunay ang puso mo)
Na ika'y kahati ng aking kalul'wa
(Ang nagsasabing ba't 'di ko madama ang pagmamahal mo)
Kahit pa hindi sabihin ay dama ng puso na ikaw ay ako
(Bakit ba gan'yan ka? 'Di ko madama sa puso mo)
Wagas na pag-ibig ay 'di magbabago
(Nakikita ko, ikaw ay nagbabago)

Puso ang s'yang nagsasabi
Na ika'y kahati ng aking kalul'wa
Kahit pa hindi sabihin ay dama ng puso na ikaw ay ako
Wagas na pag-ibig ay 'di magbabago (hindi magbabago, whoa)
Wagas na pag-ibig ay 'di magbabago



Credits
Writer(s): Saturno Venancio
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link