Bulag, pipi at bingi

Sa bawat yugto ng buhay
May wasto at may mali
Sa bawat nilalang
Ay may bulag, may pipi, at may bingi

Madilim ang 'yong paligid, hating-gabing walang hanggan
Anyo at kulay ng mundo sa 'yo'y pinagkaitan
'Wag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan

Hindi nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
Hindi makita, 'di madinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal

Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin
Sigaw ng puso't damdamin, wala sa 'yong pumapansin
Sampung daliri, kaibigan, d'yan ka nila pakikinggan
Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman

Hindi nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
Hindi makita, 'di madinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal

Ano sa 'yo ang musika? Sa 'yo ba'y mahalaga?
Matahimik mong paligid, awitan ay 'di madinig
Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo
Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo

Hindi nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
Hindi makita, 'di madinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal

Hindi makita, 'di madinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal



Credits
Writer(s): Rigor Snaffu
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link