Ngayon at Kailanman

Ngayon at kailanman
Sumpa ko'y iibigin ka ngayon at kailanman
Hindi ka na mag-iisa ngayon at kailanman
Sa hirap ko, ginhawa ka, asahang may kasama ka, sinta

Naroroon ako, t'wina
Maaasahan mo, t'wina
Ngayon at kailanman

Dahil kaya sa 'yo
Nang maitadhanang ako'y isilang sa mundo
Upang sa araw-araw ay siya'ng makapiling mo
Upang ngayon at kailanman, ikaw ay mapaglingkuran, hirang

Bakit labis kitang mahal?
Pangalawa sa Maykapal
Higit sa 'king buhay

Sa bawa't araw ang pag-ibig ko sa 'yo, liyag
Lalong tumatamis, tumitingkad
Bawa't kahapon ay daig nito'ng bawa't ngayon
Na daig ng bawa't bukas

Malilimot ka lang
Kapag ang araw at bituin ay 'di na matanaw
Kapag tumigil ang daigdig at 'di na gumalaw
Subali't isang araw pa matapos ang mundo'y magunaw na

Hanggang doon magwawakas
Pag-ibig kong sadyang wagas
Ngayon at kailanman

Sa bawa't araw ang pag-ibig ko sa 'yo, liyag
Lalong tumatamis, tumitingkad
Bawa't kahapon ay daig nito'ng bawa't ngayon
Na daig ng bawa't bukas

Sa bawa't araw ang pag-ibig ko sa 'yo, liyag
Lalong tumatamis, tumitingkad
Bawa't kahapon ay daig nito'ng bawa't ngayon
Na daig ng bawa't bukas

Labis kitang mahal (ngayon at kailanman)
Tangi sa Maykapal (ngayon at kailanman)
Ngayon at kailanman



Credits
Writer(s): George Canseco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link