Ako'Y Naririto

Ilang ulit na bang puso'y nasugatan?
At halos 'di mo na kayang malunasan
Ang sakit na dulot ng isang pag-ibig
Kung kaya't parang ayaw mo nang maulit

Masisiguro kong 'di ka luluha
Sana puso mo sa aki'y ipagkatiwala
At 'wag mong aakalain kailanman ay dadayain
Sapagkat ang aking damdamin, 'di marunong maglihim

Ako'y naririto, nagmamahal sa 'yo
Bigyan mo lamang ng puwang diyan sa puso mo
'Wag kang matatakot na ako'y ibigin, ikaw ay iingatan ko
At lagi kang umasang ako'y naririto

At lagi kang umasang ako'y naririto, oh, whoa-whoa

Ako'y naririto, nagmamahal sa 'yo
Bigyan mo lamang ng puwang diyan sa puso mo
'Wag kang matatakot na ako'y ibigin, ikaw ay iingatan ko
At lagi kang umasang ako'y naririto

Ako'y naririto
Ako'y naririto
Ako'y naririto
Ako'y naririto
Ako'y naririto

Credits
Writer(s): Saturno Federico A.
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link