Isang Umaga

Nagising alarm clock ang naririnig
Limang minuto pa'ng aking hinihiling
Napaisip kung ako'y babangon na
Napangiti at tumayo na sa kama

Sa pagmulat ng aking mata (aking mata)
Oh, ano ba 'tong nadarama?
Isang umagang kay ganda

Ang almusal ay pandesal at kape
Habang nanonood ng balita sa TV
Aking umaga ay kompleto't masaya
Handang-handa na sa pagsubok ng buhay

Sa pagmulat ng aking mata (aking mata)
Oh, ano ba 'tong nadarama?
Isang umagang kay ganda (isang umaga)

Ako'y hindi mangangamba ('di mangangamba)
Anuman ang sabihin nila
Alam kong mauulit ang umagang kay ganda

Isang umagang kay ganda (kay ganda)
Isang umagang kay ganda, ooh

Kay ganda

Sa pagmulat ng aking mata
Oh, ano ba 'tong nadarama?
Isang umagang kay ganda

Ako'y hindi mangangamba (mangangamba)
Anuman ang sabihin nila
Alam kong mauulit ang umagang kay ganda

Isang umagang kay ganda, ooh



Credits
Writer(s): John Oliver A. Agustin, Chrisanthony C. Vinzons, Aldrick D. Yu, Emil Joseph I. Arabit
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link