Grabeng Traffic

Lunes ng umaga, papasok sa trabaho
Sakay ng aking kotse palapit doon sa kanto
Alas-sais lang ng umaga, balak ko ay mauna
Ngunit nakita ko ang dami-dami na nila

Ang haba po ng pila isang kilometro ang total
Ang traffic light sa dulo eh pagka bagal-bagal
Mga naglalakad eh nauna pa sa akin
Dalawang oras na pong pula, kelan magiging green?

Sa traffic
Grabeng traffic
Grabeng traffic
Grabeng traffic

Nakita ko sa kanan, ang pila mas maiksi
Kabig ng manibela, lipat dali-dali
Ang malas ko naman, sa harap kong kotse tumirik
Umandar ang dating pila, 'di ako makabalik

Tinignan ko ang aking relo, ay alas-siyete na pala
Biglaang tumabi sa akin isang trak ng basura
Umuusok na tambutso natapat sa bintana
Huli na nga sa trabaho, sira pa ang baga

Sa traffic
Grabeng traffic
Grabeng traffic
Grabeng traffic

Por dios por santo ang lalaki ng lubak dito
Walang duda, pitong put apat na Volkswagen
Kukulanging itambak dito

Panginoon ko
Para akong nanuod ng Ten Commandments sa haba ng traffic
Mukhang nagpopondo pare ko
Siguradong mababasa na naman ang Americana ko

Aba'y anong pondo pinagsasabi mo? Usok 'yan hindi ulan
Eh ako nga paglipas ng usok
Akala ko si Genie yung lalabas
Mag wiwish sana ako eh, pulis pala

Paglipas ng isang oras, kami'y umandar na
Ngunit ang layo ko pa rin sa aking opisina
Kumanan dyan sa kanto, shortcut ang aking balak
Biglang nakita ko ang kalye ay lubak-lubak

Atras ng konti, upang makaiwas
Napansin ko ang kalye eh medyo madulas
Isang jeepney sobrang bilis aking namataan
Hindi siya nakatigil ay kami'y nagbanggaan ang sakit

Sa traffic
Grabeng traffic
Grabeng traffic
Grabeng traffic

Sa ospital natapos, aking munting kwento
Dalawang put lima ang bilang ng nadurog kong buto
Wala akong reklamo, eh ala na ring auto
Mas gusto ko na nga ito kesa magmaneho

Sa traffic (ay nako sobrang traffic dine)
Grabeng traffic (boom! walang kasing sikip)
Grabeng traffic (eh 'di nga makausad, one inch lang yung iuusad eh)
Grabeng traffic (uulit ka pa)

Grabeng traffic (makalayas na nga rito pare ko)
Grabeng traffic (magkaritela na lang kaya tayo mabuti pa)
Grabeng traffic (o sige, ako'y yayari na)
Grabeng traffic (sige pare, magkita tayo, hindi ko makita kailangan ko ng gask mask)

Grabeng traffic
Grabeng traffic
Grabeng traffic
Grabeng traffic



Credits
Writer(s): Dasig D Daruis
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link