Pieta Oyayi Sa Paanan Ni Hesus
Ave Maria, gratia plena
Sancta Maria, mater Dei
Kay lamig na ng hangin, lumalatag ang dilim.
'Di maabot ng tingin itong lagim.
Narito ang 'Yong ina, damhin Mong yakap-yakap Ka.
Sa kandungan ko, Sinta, mapanatag Ka, Sinta
Nais ko'y pagmasdan Ka sa 'Yong pamamahinga.
Minsan pa'y iduyan Ka, awitan Ka.
'Di ko man nababata, puso ko'y lumuluha.
Sa Iyong pag-iisa, sasamahan Ka.
At hihilumin ang brasong sugatan, papawiin mga luha Mong taglay.
Lilinisin, mukha Mong dinumhan, paagusin ang luha kong alay.
Madama ko man mga tinik, yayakapin Ka nang mahigpit, Giliw.
Ihehele't iduduyan Ka; mahimbing na, tapos na.
Aking Ama! Ako'y nilisan Mo na ba?
Bigyang liwanag, alipin Mong aba.
Tinalikuran Mo na ba? Dinggin ang panalangin ko, Ama!
Sumasamong pagpalain Mo, nang minsan pa'y masabi ko sa 'Yo:
"Ako'y alipin Mo; sundin ang loob Mo, Ama ko."
Hihilumin ang brasong sugatan, papawiin ang luha Mong taglay.

Ihehele't iibigin Ka; tapos na, tapos na.

Credits
Writer(s): Don Sebesky
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
© 2024 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.