Sirena

Ako'y isang sirena
Kahit ano'ng sabihin nila, ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit ano'ng gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa 'ki'y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib

Simula pa nang bata pa ako
Halata mo na kapag naglalaro
Kaya parang lahat ay nalilito
Magaling sa Chinese garter at piko
Mga labi ko'y pulang-pula
Sa bubble gum na sinapa
Palakad-lakad sa harapan ng salamin
Sinasabi sa sarili, "Ano'ng panama nila?"

Habang kumekembot ang bewang
Mga hikaw na gumegewang
Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang
Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
Na galing sa aking ama na tila 'di natutuwa
Sa t'wing ako'y nasisilayan, laging nalalatayan
Sa paglipas ng panahon ay 'di ko namamalayan
Na imbes na tumigas ay tila lalong lumambot
Ang puso kong mapagmahal, parang pilikmatang kulot

Ako'y isang sirena
Kahit ano'ng sabihin nila, ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit ano'ng gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa 'ki'y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib

Hanggang sa naging binata na ako
Teka muna, mali, dalaga na pala 'to
Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin?
Ano ba'ng mga problema niyo?
Dahil ba ang mga kilos ko'y iba
Sa dapat makita ng inyong mata?
Sa tuwing nanonood ng liga, laging natutulala
Kahit 'di pumasok ang bola, ako'y tuwang-tuwa

Kahit kinalyo na sa tapang, kasi gano'n na lamang
Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang
"Tama na naman, Itay, 'di na po ako pasaway
'Di ko na po isusuot ang lumang saya ni Inay"
Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon
Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon
Kasi araw-araw na lamang ay walang humpay na banat
Ang inaabot ng ganda kong pang-ilalim ng dagat

Ako'y isang sirena
Kahit ano'ng sabihin nila, ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit ano'ng gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa 'ki'y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib

Lumipas ang mga taon
Nangagsipag-asawa aking mga kapatid, lahat sila'y sumama
Nagpakalayo-layo, ni hindi makabisita
"Kakain na po, Itay, nakahanda na'ng lamesita"
Akay-akay sa paglakad, paisa-isang hakbang
Ngayo'y buto't balat ang dating matipunong katawan
Kaya sa 'yong kaarawan, susubukan kong palitan
Ang lungkot na nadarama, 'wag na po nating balikan

Kahit medyo naiinis, hindi dahil sa nagka-cancer
Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y naka-duster
Isang gabi, ako'y iyong tinawag, lumapit
Ako sa 'yong tabi, ika'y tumangan, kumapit
Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita
"Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa
'Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha
Dahil kung minsan, mas lalaki pa sa lalaki ang bakla"

Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa 'ki'y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib

Ako'y isang sirena
Kahit ano'ng gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba



Credits
Writer(s): Aristotle C. Pollisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link