Sa Isip Ko

Alam kong mayro'n nang iba
Sa kilos mo'y nadarama
Mukhang ako ay nakalimutan mo na
Wala nang masasabi, 'di ba?

Kapit mo, kay lamig na
Pati yakap mo'y wala nang gana
Maagaw ka man ng iba sa akin
Pag-ibig ko'y patuloy pa rin

Sa isip ko'y yakap ka pa
Sa isip ko'y walang iba
Mananatiling ikaw ang kapiling
Kahit sa isip ko lang lamang

Alam kong mayro'n nang iba
Ang init ay nanlamig na
Ba't 'di maamin ang 'di malilihis?
Ikaw at ako'y tapos na

Bawat hakbang ay palayo ka
Walang linaw na babalik ka
Maagaw ka man ng iba sa akin
Pag-ibig ko'y patuloy pa rin

Sa isip ko'y yakap ka pa
Sa isip ko'y walang iba
Mananatiling ikaw ang kapiling
Kahit sa isip ko lang lamang

Mananatiling ikaw ang kapiling
Kahit sa isip ko lang lamang



Credits
Writer(s): Rene Garcia, Dennis Garcia
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link