Kuvarira Mukati - Africa Calling Mix

constipated ka na naman.
sorry, alam ko na di maganda ang nararamdaman
pero, kasalanan mo yan eh
constipated ka na naman
dapat siguro isulat ko sa manila paper
at gawing wallpaper ng buong kwarto mo
ang mga katagang,
"may mga bagay na hindi na dapat ikubli
bagkus, ay pinapakawalan
tulad ng mabantot mong kayamanan
kaya ayan,
namimilipit ang tyan sa sakit
ang tumbong, ay tila mapupunit
di mo malaman kung dumudumi lang ba sa loob ng kubeta o
naging isa ka nang dalagang ina
sumisigaw,
putang ina
ang sakit-sakit
manganganak na ata ako
constipated
malas mo
kaya dapat sundin mo ang mga payo ko
una, uminom ng maraming tubig
kahit ayaw mo
pangalawa, kumain ng maraming gulay
kahit ayaw mo
pangatlo, ilabas mo
sa 'twing nararamdaman, ilabas mo
sa 'twing kinakailangan, ilabas mo
sa 'twing aabutan, ilabas mo
dahil may mga bagay na hindi na dapat ikinukubli
bagkus, ay pinapakawalan
kaya utang na loob, ilabas mo na yan
pero, sino akong malakas ang loob
na magbigay ng payo
na ang mga bagay na ikinukubli ay dapat pakawalan
kung tulad ng dumi mo,
ay di ko mailabas ang tunay kong nararamdaman
ang sabi nila, kapag di ka daw dumumi ng ilang araw,
para itong batong maninigas
at lalo ka nang mahihirapan na ito'y ilabas
alam mo ba yung pakiramdam na,
gustong-gusto mo nang dumumi
pero pag-ire mo, putang ina utot lang
nakakainis
kaya naiinis ako
sa 'twing gusto kong sabihin, na "gusto kita"
pero ang tanging lumalabas ay "kumain ka na ba"
nakakainis sa 'twing gusto kong sabihin na, "pwede ba kitang ligawan"
pero ang tanging lumalabas ay "pwede mo ba akong samahan"
matagal ko nang gustong sabihin na "mahal na mahal kita"
pero hanggang ngayon ang lumalabas ay
"kaibigan, masaya ako pag masaya ka"
akala mo tae, utot lang pala
pero mas mabuti na rin yon
kesa akala mo utot pero tae lumabas
nakakadiri
at nakakatakot kung iisipin
dahil pag nakita mo ba ang mga dumi ko,
magugustuhan mo pa ba ako?
pag naamoy mo ba lahat ng baho ko,
Mamahalin mo pa ba ako?
pag nalaman mo ang pinakatatago kong mga sikreto,
May pag-asa ba ako sayo?
Sino ako na malakas ang loob na magbigay ng payo
Na kumain ako ng maraming gulay kahit ayaw ko?
O ang tanging paraan, para maibsan ang nararamdaman ay
Tuluyang maging halaman
Kasi buti pa yung halaman kahit waang nararamdan, nadidiligan
ahm di ko shinabing diligan mo ako araw-araw
Pero ang gusto ko lang ay ang mapansin mo
Tulad ng pagpansin mo sa puting bulaklak
Na umusbong mula sa biyak sa gilid ng kalsada
O ang pagpitas mo sa santan
Sa tabi ng simbahan para tikman ang matamis nitong lasa
Ang gusto ko ay mapansin mo
Ang gusto ko lang, ay ang mapansin mo ako
Pero naninindigan ako
Na kailangan kong uminom ng maraming tubig kahit ayaw ko
Pero ang tanong, sapat ba?
Sapat ba ang walong baso
Para lunurin ang mga paru-parong umiikot sa loob tiyan ko
sa 'twing makikita kitang masaya?
Sapat ba ang walong baso
Para palitan ang dagat na iniluha ko
Sa 'twing makikita kitang masaya sa piling ng iba?
Sapat ba ang walong baso para apulahin ang apoy
Ng pagtingin ko sa'yo?
Na kahit makita kitang masaya sa piling ng iba
Ay magagawa ko ring ngumiti kahit mag-isa
Sapat ba?
Oo na
Constipated na ako
Sorry, hindi mo alam ang nararamdaman ko
Pero, kasalanan ko rin naman 'to
Constipated na naman ako
Dapat siguro isulat ko sa manila paper at gawing wallpaper
Ng buong bahay ko ang mga katagang
"may mga bagay na hindi dapat ikinukubli
Lalong hindi pinapakawalan
Bagkus, ay kinakalimutan
Mabuti na nga rin siguro na
Maging bato nang tuluyan ang puso ko
Na dapat ay para sa'yo
Kaya ito ako ngayon,
Namimilipit ang tyan sa sakit
Ang tumbong ay tila mapupunit
Di ko malaman kung dumudumi lang ba ako
Sa loob ng kubeta o
Naging isa na akong dalagang ina
Sumisigaw
Putang ina
Ang sakit-sakit
Manganganak na ata ako
sana
Sana, maipanganak ko na ang bagong ako
Na hindi na mahal ang katulad mo



Credits
Writer(s): Thomas Mapfumo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link