Maghihintay

Ilang beses ko na bang sinabi sa sarili ko?
Wala akong pag-asa sa iyo
Ilang beses ko na bang sinabing titigilan ko na 'to?
Dahil hindi ako ang tipo mo

Pilit limutin ka
Ngunit ba't 'di ko magawa?

Maghihintay ako sa 'yo, baka ako'y ibigin mo
Kahit hindi naman ako ang 'yong gusto
Dahil tunay kitang mahal, baka makuha sa dasal
Baka sakaling mahalin mo rin
Kahit 'di mo ako pansin, baka makuha sa tingin
Baka sakaling mahalin mo rin ako

Sabihin man nila ang tulad ko'y 'di tatagal
Sana'y 'di na lang kita minahal
Ayoko na sana ang ika'y ibigin ko
Ngunit nandito ka sa puso ko

Pilit limutin ka
Ngunit ba't 'di ko magawa?

Maghihintay ako sa 'yo, baka ako'y ibigin mo
Kahit hindi naman ako ang 'yong gusto
Dahil tunay kitang mahal, baka makuha sa dasal
Baka sakaling mahalin mo rin
Kahit 'di mo ako pansin, baka makuha sa tingin
Baka sakaling mahalin mo rin ako

Dahil tunay kitang mahal, baka makuha sa dasal
Baka sakaling mahalin mo rin
Kahit 'di mo ako pansin, baka makuha sa tingin
Baka sakaling mahalin mo rin ako



Credits
Writer(s): Angel Panti
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link