Araw-Araw (feat. Jaq Dionisio of Kiss Jane)

Lunes ng umaga papuntang opisina
Habang nabibingi sa ingay ng mga busina
Sa gitna ng kalye, habang bumibiyahe
Sakto lang ang pera pangkain at pamasahe
Tipikal na buhay ng pinoy araw-araw
Kailangan ko itong gawin
Di pwedeng ayaw-ayaw

Dahil ang bulsa ko ay di pa napapaapaw
Sana kahit paano, ako ay makahataw
Pursigido'ng umangat
Inuunti-unti ko Matipid na iniipon
Ultimo sukli ko Bilad na nga sa araw
Ang pagka-kayumanggi ko
Balat kakulay na ng tuhod ko saka ng siko

Pero tuloy sa paglayag, tuloy sa pagsawan
Para ang bulsa saka ang aking tiyan ay malagyan
Kahit na ang aking sweldo parang mens lang
Tatlong araw lang tinatagal nito kada buwan
Tatlong araw lang pala ako nagging maligaya

Araw-araw, paulit-ulit
Hanggang sumapit ang gabi Araw-araw, paulit ulit
Bukas ay ganun muli Araw-araw, paulit-ulit
Hanggang sumapit ang gabi Araw-araw, paulit ulit

Bukas ay ganun muli
Pambayad ko sa upa, tubig at kuryente
Sa ngayon tuyo na lang mabibili nung bente
Pagkasyahin kung pwede o meron natira
I-sigang ko yung tuyo, para medyo maiba
Ang pambayad ng matrikula dapat itabi ko na
Sa ganitong estado na mahirap i-manipula

Bawal ba magpahinga?
Dapat na gawin ko na Pumasok kahit petsa
Sa kalendaryong maging pula Kase ay double pay
Ganun pag holiday Kayod
Kahit mamuti buhok na parang anime
Isipin ang ngayon, yung bukas ay saka na
Kung bukas ay lagas, o baka maging sagana
Kaya sana Medyo mag-iba ang kapalaran
Mapanatag ang lubak sa daa'ng nilalakaran
Ang buhay ko ay parang libro lamang na sa bawat pahina

Paulit-ulit ang mga larawan Araw-araw, paulit-ulit
Hanggang sumapit ang gabi Araw-araw, paulit ulit
Bukas ay ganun muli Araw-araw, paulit-ulit
Hanggang sumapit ang gabi Araw-araw, paulit ulit
Bukas ay ganun muli

Araw-araw halos lahat ng kayod ginawa
Kung paulit-ulit ay nakakapagod din pala
Bisyo ko na yata ang palagi'ng humiling
Mula pagsikat g umaga
Hanggang sa dumilim Araw-araw halos lahat ng kayod ginawa
Kung paulit-ulit ay nakakapagod din pala
Bisyo ko na yata ang palagi'ng humiling
Mula pagsikat g umaga
Hanggang sa dumilim Pero pagsapit ng gabi

Lumiliwanag nang muli
Basta ikaw ang katabi nasisilayan ang ngiti
Inaalis mo ang lungkot
Ang pagod ko at pighati Pinawi mo ng kay dali kaya

Araw-araw, paulit-ulit, ngayon wala na ko'ng paki
Bawat -araw, sinusulit, basta ikaw ang katabi Araw-araw, paulit-ulit
Ngayon wala na ko'ng paki Bawat -araw, sinusulit
Basta ikaw ang katabi Araw-araw, paulit-ulit
Ngayon wala na ko'ng paki Bawat -araw, sinusulit
Basta ikaw ang katabi



Credits
Writer(s): Wendell Gatmaitan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link