Kelan Kaya?

Mahal kita ngunit mahal mo s'ya
Hindi na ba sadyang mag-iiba
Ang pag-ibig mong dati ko pang inaasam?
Ang tibok ng puso ko sana'y pakinggan

Kung minsan ba, iyong nadarama
Pag-ibig kong mas higit sa kanya?
Puwede bang kahit saglit ay malimutan s'ya?
Kahit sandali lamang ay maging akin ka

Kailan kaya kita makakayakap?
Kailan kaya ako makakahanap
Ng isang katulad mong bihira na sa mundo?
Sana'y ingatan n'ya tulad ng pag-ingat ko sa puso mo

Pilit ko nang makalimutan ka
Hindi yata sadyang mag-iiba
Ang pag-ibig ko sa 'yo lamang nakalaan
At hindi kita iiwan magpakailanman

Kailan kaya kita makakayakap?
Kailan kaya ako makakahanap
Ng isang katulad mong bihira na sa mundo?
Sana'y ingatan n'ya tulad ng pag-ingat ko sa puso mo

Kaya kitang mahalin
Higit pa sa pagmamahal n'ya

Kailan kaya kita makakayakap?
Kailan kaya ako makakahanap
Ng isang katulad mong bihira na sa mundo?
Sana'y ingatan n'ya tulad ng pag-ingat ko sa puso mo

Oh, sana'y ingatan n'ya tulad ng pag-ingat ko sa puso mo
Whoa, whoa, whoa



Credits
Writer(s): Emil Pama
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link