Ps I Love You

Kahit pa ano ang sa 'kin ay gawin
Dahil mahal ka'y handa 'kong tiisin
Kahit masakta'y 'di ko papansinin
Ang pagluha ko'y 'wag mong intindihin

Ang pag-ibig daw ay krus na kay bigat
Ang layuan ka'y payo nilang lahat
'Di ko magawa, mahal kitang tapat
Ps I love you, 'yon ba'y 'di pa sapat?

Ps mahal na mahal kita
Ps I love you, walang iba
At 'wag kang mag-alala
'Di ako padadala sa sinasabi nila, sinta

Kung mangyari mang mayro'n kang mahalin
Na sa tingin mo'y higit pa sa akin
Magpakailanman, puso ko'y tanungin
Ps I love you, magpahanggang libing

Ps mahal na mahal kita
Ps I love you, walang iba
At 'wag kang mag-alala
'Di ako padadala sa sinasabi nila, sinta

Kung mangyari mang mayro'n kang mahalin
Na sa tingin mo'y higit pa sa akin
Magpakailanman, puso ko'y tanungin
Ps I love you, magpahanggang libing
Magpahanggang libing

Ps I love you



Credits
Writer(s): George Canseco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link