Piso Mula Sa Puso

Pag-ibig ba ang tawag sa iyong ginagawa
Hanggang gamitin ang mahirap para lang makilala
At sa twing tutulong ka kailangan ba ang ma dyaryo
At makita ka sa tv o marinig pa sa radyo

Hindi nga masama ngunit ito'y panunumbat
Na sa puso ng marami ay lubhang sumusugat
Ba't di mo lingonin kung saan ka nga ba nagmula
Isusubo na lang nila inaagaw mo pa

Mayaman ka na nga lalo ka pang nagpapayaman
Sila pang mga mahihirap ang iyong tinatapakan
Ang kapangyarihan mo'y ginagamit sa di tama
Di ka ba nahahabag sa itsurang kaawa-awa
At kapag napansin ka umaalma ka kaagad
Daig mo pa ang eroplano sa tayog ng yong paglipad
Ang iyong kahangalan tigiltigilan mo na pare
At sa impyerno'y malakilaki pa ang nakabakante

Piso mula sa puso at hindi sa kasikatan
At hindi nanggaling sa mga nagawang kasamaan
Kayamanan mo'y di madadala sa kamatayan
Gawing makabuluhan ng makahaon ang taong bayan

Hoy, nakikinig ka ba?
O nagbibingi-bingian ka?
Hoy, nakakatulog ka pa ba?
Ah, bangungutin ka sana

Masdan mo ang sinapit ng ating kapaligiran
Na sinira ng sistema mo ang natatanging kalikasan
Ngayo'y nadamay ang mga walang malay na tao
At ika'y nangingisi pa na parang nakakaloko
Dahil ba sa mapapansin na namang muli ang 'yong pangalan?
'Di ka ba nagsasawa sa paggawa ng kamalian?
Bumango man ang pangalan mo mahirap tanggapin
Sa aming paningin, 'tang-ina, mabaho ka pa rin

Piso mula sa puso at hindi sa kasikatan
At hindi nanggaling sa mga nagawang kasamaan
Kayamanan mo'y 'di madadala sa kamatayan
Gawing makabuluhan ng makaahon ang taumbayan



Credits
Writer(s): Manuel R. Palomo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link