Kung

Kung ano man ang nakikita mo
At ganon din ang natatanaw ko
Iisa lang kaya wala ng pagtatalunan
Bulag lang ang dapat nating paliwanagan, uh

Kung ano man ang iyong narinig
At ito rin ang nasagap kong tinig
Pareho lang kaya wala ng pag-uusapan
Bingi lang ang dapat nating pagsasabihan

Dahil ang paniniwala ko
Na tama ay binabago mo
Tanong mo ay sagot mo rin
'Wag ng palalain
Anong gustong palabasin?
Upang ako ay maliin

Kung may silbi na sa iba
Ang kaalaman ko
Ang karunungan mo
Ang sisira sa'yo
Kung may laman na sa iba
Ang kababawan ko
Ang kalaliman mo ang lulunod sa'yo

Bigyan ng kahalagan
Pagtanggap sa katotohanan
At 'wag sa inaasahang
Masarap lang pakinggan
Alam mo rin namang 'di nangyayari
Ikaw lang ang bumibilib sa'yong sarili

Dahil ang paniniwala ko
Na tama ay binabago mo
Tanong mo ay sagot mo rin
'Wag ng palalain
Anong gustong palabasin?
Upang ako ay maliin

Kung may silbi na sa iba
Ang kaalaman ko
Ang karunungan mo
Ang sisira sa'yo
Kung may laman na sa iba
Ang kababawan ko
Ang kalaliman mo ang lulunod sa'yo

Kung ano man ang nakikita mo
At ganon din ang natatanaw ko
Iisa lang kaya wala ng pagtatalunan
Bulag lang ang dapat nating paliwanagan

Dahil ang paniniwala ko
Na tama ay binabago mo
Tanong mo ay sagot mo rin
'Wag ng palalain
Anong gustong palabasin?
Upang ako ay maliin

Kung may silbi na sa iba
Ang kaalaman ko
Ang karunungan mo
Ang sisira sa'yo
Kung may laman na sa iba
Ang kababawan ko
Ang kalaliman mo ang lulunod sa'yo

Kung may silbi na sa iba
Ang kaalaman ko
Ang karunungan mo
Ang sisira sa'yo
Kung may laman na sa iba
Ang kababawan ko
Ang kalaliman mo ang lulunod sa'yo

Ang lulunod sa'yo
Ang lulunod sa'yo, oh
Ang lulunod sa'yo



Credits
Writer(s): Manuel Palomo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link