Fiesta

Nagsimula na ang handaan
Nag-imbita na ng kaibigan
Sa kabilang bahay ay may kantahan
At mayro'n pang inuman

Dumating na'ng mga balikbayan
Mga apo'y nagtatakbuhan
Kabataang lumaki sa bayan, ngayo'y nandito na
May dala-dalang pasalubong

Ganito sa aming baranggay 'pag fiesta ay dumating

(Fiesta) Tara na sa aming lugar
Isama'ng buong barkada
(Fiesta) Tara na sa aming lugar
Lahat ay nagkakasiyahan

'Wag kang pahuhuli
Baka wala ka nang maabutan

Nagsimula na ang Santacruzan
At mayro'n pang sayawan
Sa tapat ng simbahan ay may naglalaro ng palosebo
At may gumugulong para sa buko

Ganito sa aming baranggay 'pag fiesta ay dumating

(Fiesta) Tara na sa aming lugar
Isama'ng buong barkada
(Fiesta) Tara na sa aming lugar
Lahat ay nagkakasiyahan

(Fiesta) Tara na sa aming lugar
Isama'ng buong barkada
(Fiesta) Tara na sa aming lugar
Lahat ay nagkakasiyahan

'Wag kang pahuhuli
Baka wala ka nang maabutan

(Fiesta) Tara na sa aming lugar
Isama'ng buong barkada
(Fiesta) Tara na sa aming lugar
Lahat ay nagkakasiyahan

(Fiesta) Tara na sa aming lugar
Isama'ng buong barkada
(Fiesta) Tara na sa aming lugar
Lahat ay nagkakasiyahan

(Fiesta) Tara na sa aming lugar
Isama'ng buong barkada
Ganito sa aming baranggay
Ganito sa aming baranggay
Ganito sa aming baranggay 'pag fiesta ay dumating



Credits
Writer(s): Ulrich Figgen
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link