Tila

Tila humihinto ang aking panahon
Walang naririnig kundi huni ng ibon
Umaawit dinadala ng ihip ng hangin

Tila gumagandang lalo mga rosas
Sabay, sabay silang sumasayaw
Sa hampas ng hangin
Dumadampi at bumubulong sayo

Ooh naririnig mo ba ang bulong ng puso ko
Ooh binubulong ng hangin

Tila ngumingiti ang araw sa umaga
Mga paru-paro'y naglalaro
Sa hampas ng hangin
Dumadampi at bumubulong sa'yo

Ooh naririnig mo ba ang bulong ng puso ko
Ooh binubulong ng hangin sayo
Ooh naririnig mo ba ang bulong ng puso ko
Ooh binubulong ng hangin

Sana nga ito ay marinig
Binubulong ng hangin ang dama nitong dibdib

Naririnig mo bang bulong ng puso ko? Ohh Binubulong ng hangin sayo
Ohh Naririnig mo bang bulong ng puso ko? Ohh Binubulong ng hangin sayo
Ohh Naririnig mo bang bulong ng puso ko? Ohh Binubulong ng hangin



Credits
Writer(s): Ned Lawrence Esguerra, Lee Von D. Cailao
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link