Sana'y Ikaw - From "Carmela"

Bakit ikaw ang laging hanap ko?
Minsan kang nakita ay nabighani sa 'yo
Ang iyong ganda'y lagi sa isip ko
Pag-ibig na nadarama ay para lang sa 'yo

Sana'y ikaw na ang aking pag-ibig, ikaw na sa bawat saglit
At lagi ay kapiling ko kahit sa panaginip
Pag-ibig na inaalay sa 'yo, sana nama'y pagbigyan mo
'Pagkat ika'y nag-iisa dito sa puso ko

Araw-gabi, naiisip kita
Palagi kang naroroon dahil mahal kita
Ang 'yong ngiti, hanap ko sa t'wina
Maari bang ikaw na ang aking makasama?

Sana'y ikaw na ang aking pag-ibig, ikaw na sa bawat saglit
At lagi ay kapiling ko kahit sa panaginip
Pag-ibig na inaalay sa 'yo, sana nama'y pagbigyan mo
'Pagkat ika'y nag-iisa dito sa puso ko

Ooh, whoa

Credits
Writer(s): Saturno Venancio
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link