Minsan

Minsan sa may Kalayaan tayo'y nagkatagpuan
May mga sariling gimik at kanya kanyang hangad sa buhay
Sa ilalim ng iisang bubong, mga sikretong ibinubulong
Kahit na anong mangyari, kahit na saan ka man patungo
Ngunit ngayon, kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y wag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
At kung sakaling gipitin ay laging iisipin na
Minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan

Minsan ay parang wala ng bukas sa buhay natin
Inuman hanggang sa magdamag, na para bang tayo'y mauubusan
Sa ilalim ng bilog na buwan, mga tiyan nating walang laman
Ngunit kahit na walang pera, ang bawat gabi'y anong saya

Ngunit ngayon, tayo ay nilimot ng kahapon
Sana'y wag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
At kung sakaling gipitin ay laging iisipin na
Minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan
Minsan ay hindi mo na alam ang nangyayari

Ahit na anong gawin
Lahat ng bagay ay mayroong hangganan
Dahil ngayon, tayo ay nilimot ng kahapon
Di na mapipilitang buhayin ang ating pinagsamahan
Ngunit kung sakaling baka mapadaan ikaw ay aking tawagan
Dahil minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan



Credits
Writer(s): Buendia Ely Eleandre
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link