Luha

Akala ko'y ikaw ay akin
Totoo sa aking paningin
Ngunit nang ikaw ay yakapin
Naglalaho sa dilim

Ninais kong mapalapit sa 'yo
Ninais kong malaman mo
Ang mga paghihirap ko
Balewala lang sa 'yo

Ikaw ay aking minahal
Kasama ko ang Maykapal
Ngunit at, ako pala'y naging isang hangal
Naghahangad ng isang katulad mo

Hindi ko na kailangan, umalis ka na sa aking harapan
Damdamin ko sa 'yo ngayon ay naglaho na
At ito ang iyong tandaan, ako'y masyadong nasaktan
Pag-ibig at pagsuyo na kahit na sa luha, mababayaran mo

Tingnan mo'ng katotohanan
Na tayo'y pare-pareho lamang
May damdamin ding nasasaktan
Ang puso mo'y nasaan?

Ikaw ay aking minahal
Kasama ko ang Maykapal
Ngunit at, ako pala'y naging isang hangal
Naghahangad ng isang katulad mo

Hindi ko na kailangan, umalis ka na sa aking harapan
Damdamin ko sa 'yo ngayon ay naglaho na
At ito ang iyong tandaan, ako'y masyadong nasaktan
Pag-ibig at pagsuyo na kahit na sa luha, mababayaran mo

Ayaw ko nang mangarap
Ayaw ko nang tumingin
Ayaw ko nang manalamin
Nasasakta'ng damdamin

Ayaw ko nang mangarap
Ayaw ko nang tumingin
Ayaw ko nang manalamin
Nasasakta'ng damdamin

Gulong ng buhay
Patuloy-tuloy sa pag-ikot
Noon, ako ay nasa ilalim
Bakit ngayon nasa ilalim pa rin?

Gulong ng buhay
Patuloy-tuloy sa pag-ikot
Noon, ako ay nasa ilalim
Sana bukas nasa ibabaw naman



Credits
Writer(s): Abenoja Celso, Abenoja Celso Jackou
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link