Wari Ko'y

Wari ko'y matagal din tayong 'di magkikita
Ayoko na tuloy isipin na mawawalay ka na sa akin
Bibilangin ang mga gabi
Hanggang tayo'y magkitang muli

Wari ko'y magiging maligaya ka
Nasa'n ka man patungo, alam mong nandito ako
Wari ko'y alam mong hahanapin kita
Araw-araw na ikaw ay wala na

Sa 'yong pamamaalam, dadalhin mo'ng puso ko (ah)
Sa 'yong pamamaalam, dadalhin mo'ng puso ko (ah)

Wari ko'y kita sa 'king mga mata
Na hindi na pareho ang buhay ko 'pag wala ka
Ngunit tuloy ang ikot ng mundo, matagal lang
Masasanay mabuhay na tayo'y magkahiwalay

Sa 'yong pamamaalam, dadalhin mo'ng puso ko (ah)
Sa 'yong pamamaalam, dadalhin mo'ng puso ko (ah)

Ah-ha-ha

Sa 'yong pamamaalam, dadalhin mo'ng puso ko (ah)
Sa 'yong pamamaalam, dadalhin mo'ng puso ko (ah)

Pikit matang managinip
Mahahanap mo ako sa isang malalim
Na sulok ng 'yong isip
Pikit matang managinip
Mahahanap mo ako sa isang malalim
Na sulok ng 'yong isip
Pikit matang managinip
Mahahanap mo ako sa isang malalim
Na sulok ng 'yong isip



Credits
Writer(s): Robin Rivera, Vincent Ferdinand Dancel, Carlo Quisumbing, Jalton Taguibao
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link