Bulong !!!

Ikaw ba'y nalulungkot, nababalot pa ng poot
Maraming hinanakit sa mundo?
'Di alam ano'ng gagawin kundi ubusin ang oras sa gin
Akala mo'y iya'y may mararating

Hoy! Kaibigan ko
Pakinggan mo'ng mga bulong sa 'yo
Ito'y 'di galing sa mundo
Patungo sa pangakong paraiso

Nasa'n ang talino mo? Diskarte 'ka mo ng Kano
Apakan ang lahat kahit kapuwa mo
Minsan, ang kagitingan ay wala sa bigat ng pinapasan
Sa pagsuko't pagharap ng kabiguan

Hoy! Kaibigan ko
Pakinggan mo'ng mga bulong sa 'yo
Ito'y 'di galing sa mundo
Patungo sa pangakong paraiso

Tumatakbo'ng oras
Gumising ka't bumangon na
'Pagkat hindi na ikaw ang biktima

Hoy! Kaibigan ko
Pakinggan mo'ng mga bulong sa 'yo
Ito'y 'di galing sa mundo
Patungo sa pangakong paraiso

Hoy! Kaibigan ko
Pakinggan mo'ng mga bulong sa 'yo
Ito'y 'di galing sa mundo
Patungo sa pangakong paraiso



Credits
Writer(s): Nadal Kitchie
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link