Para Sa Akin

Kahit 'di ka mapansin-pansin ng karamihan
At maaring sa tingin nila'y pangkaraniwan
Bakit ba sa wari ko ay kaiba-iba
Sa buong mundo ikaw ay kaisa-isa

Ang alam ko lang, mahal, ikaw ay para sa'kin
Ang sagot ng maykapal sa aking panalangin
At likha ka niyang sadyang laan sa buhay ko
Gaya ng ako'y para sayo

Para sa akin, ang mas mahalaga
Tayo ay para sa isa't isa
Basta sa akin, mahal kitang talaga
Habang buhay kang katunay ng makakaasa

Ika'y s'aking mga mata ay kabigha-bighani
At sa puso ko sinta sadyang katangi-tangi
Ikaw lang ang pagkaiibigin
Tunay kang para sa akin
Gaya ng akoy' para sa'yo

(instrumetal)

At likha ka niyang sadyang laan sa buhay ko
Gaya ng ako'y para sayo

Para sa akin, ang mas mahalaga
Tayo ay para sa isa't isa
Basta sa akin, mahal kitang talaga
Habang buhay kang katunay ng makakaasa

Ika'y s'aking mga mata ay kabigha-bighani
At sa puso ko sinta sadyang katangi-tangi
Ikaw lang ang iibigin
Tunay kang para sa akin
Gaya ng akoy' para sa'yo

Lala lalalara.
Lala lalalara.
Ika'y para sa akin
At ako'y para sa'yo



Credits
Writer(s): Emil Pama
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link